Labinlimang buwan na akong sanay na maging parte ng bawat araw sa buhay ko itong lalaking ‘to.
November 16, 2010 - January 16, 2012 …
Mahal koooo :DD Happy 15th Sixteen satin! 1 year and 3 months na ng … ANO?
Haha. Basta, naikwento ko na naman dito yan dati eh. Backread na lang. HAHA JOKE. Good luck kung mahanap pa yung post. Anyway, okay sabihin na nating sa 15 months na yan may mga panahong hindi pa naman talaga kami, mga oras na masaya, malungkot, at yung panahong naghiwalay kami. Pero bakit tuloy tuloy pa rin ang batian at pagbilang nitong mga nagdadaang sixteen bawat buwan? Ang akin lang, diyan kasi nagsimula lahat. Mula sa araw na yan nasanay na akong palagi ko siyang kausap, katext, at walang araw na lumipas na hindi ko siya naiisip, naaalala at kung ano-ano pa. Kabilang na din dito laha t ng mga pinagdaanan namin, tampuhan, away, selos, pagsuko, pag-aayos ng relasyon … basta, lahat ng mga sitwasyong magkasama naming pinagdaanan, kami” man o hindi. In short, ito yung palatandaan na ganito na kami katagal naging mahalagang bahagi ng buhay ng bawat isa. Ako sa kanya, siya sakin. Ayt :”> Masyado na kaming maraming pinagdaanan at pinagdadaanan, na alam kong lahat naman ng yun ung nagpapatibay samin, at siya ring dahilan kung bakit hindi na ganun kadaling bumitaw at sumuko kahit na sabihin pa na hirap na hirap na kami. Mahal na mahal ko ‘tong lalaking to. Mabait, maunawain, marespeto. Kahit na minsan hindi ako pinagsalitaan ng masama niyan. I mean hindi siya nagbibitaw ng mga masasakit na salita sakin (‘di tulad ng iba dyan). Pag nagagalit nga ako sa kanya minsan kawawa talaga siya sakin eh. Madaldal ako, masalita, at walang pigil sa pag express ng tunay na saloobin. Pero kahit na naiinis na yan, tatahimik na lang siya o kaya magppretend na ayos lang, wag lang akong masaktan sa mga salita niya .. tama ba?
Sh*t naiiyak na ko, hahaha.Kadramahan eh.
Gusto ko lang namang malaman mo na sobrang naa-appreciate ko yung presence mo sa buhay ko, bilang kaibigan, bilang partner. Lagi mong sinasabi sakin na swerte ka kasi ikaw yung minahal ko. Na swerte ka kasi yung girlfriend mo matalino, mapagpasensya, maalaga, mapagmahal *blah blah*. Pero sa totoo lang hindi lang naman ako. Alam mo bang masayang masaya ako kasi nandyan ka para sakin. Pag may problema ako ikaw lang naman din halos nakakausap ko. Pag pagod ako, pag malungkot, ikaw din naman yung nagpapasaya sakin eh. Pag inaatake ako ng mood swings at tinotopak, pinipilit mo naman akong unawain. Minsan ikaw pa napagbabalingan ko ng galit at stress. Pag masaya ako ‘di ka naman nagsasawang makinig sa mga kwento ko kahit alam kong wala kang masyadong interes sa mga yun. Masama dun, madalas sayo ko pa sinisisi kung bakit ako stressed. Kung bakit ako malungkot. Eh ikaw na nga tong nakikisama at umuunawa sakin dba? Alam ko namang sinusubukan mong ibigay lahat para maabot mo yung mga ineexpect ko mula sayo eh, para mapasaya mo ko. Pero ako naman, habang kumikilos ka, lalo ko pang naitataas yung expectations ko. Alam kong napakaselfish ko talaga pag iniisip ko na ako lang ng ako ung laging nagpapasensya at nagbibigay para sa relasyon natin. SORRY NA. Pasensya ka na sakin.
Nitong kailan alam ko hindi rin maganda naging pakikitungo ko sayo kahit na ikaw ang sweet sweet mo. Sorry naaa :’( Kung ano anong inisip ko. Napaka-UNFAIR ko. Sorry. Nadala lang ako ng mga issues dyan at ng sitwasyon na tin. Masyado akong naging selfish. Puro sarili ko lang inisip ko. Yung inisip ko lang ay yung kung paano ako sasaya. Kung paano ako hindi mahihirapan. Joshuaaaa.
(Infairness, umiiyak natalaga ko:| HAHAHA)Nakokonsensya talaga kasi ako kasi feeling ko ang rude ko sa sayo tapos ikaw ang bait bait mo, EVER! :)))))) Sobrang maraming salamat talaga sa walang sawang pagmamahal at pagpapasaya mo sakin :) Pasensya ka na sakin kung sobrang annoying ako minsan/madalas, lalo na the past weeks :P Kung masyado akong demanding. Kung masyado akong selosa. Eh kasi AKIN KA LANG naman talaga dba? HAHA :)) PASENSYA KA BALIW tong girlfriend mo eh. Napaka-paranoid. LOL.Yun lang … gusto ko lang iparating sayo na kung iniisip mong swerte ka sakin, aba swerte din naman ako sayo! Happy sixteen bebe ko! Super LOVE kita talagaaaa :DD Lagi mong ttandaan yan ah! Ang tagal na din nito. Masyado na kong sanay na lagi ka lang nandyan para sakin, kaya wag kang mawawala ha :) Hindi ko kasi alam pano na pag natigil to. Sanay na sanay na ko na SA AKIN KA LANG. Kuha mo? Forever, ayt? I love you so muuuuuuch! :* I miss you :| Sana magkasama na tayo .. :D


