Ayoko ng pinapagselos ako kasi sa pagse-SELOS ako talagang nagbabago.
Well, totoo yan.
Alam naman niya siguro yan. Lately, pansin ko rin mismo sarili ko na may nagbago sa treatment ko sa kanya. ‘Di ko naman ginusto eh kaso yun na yung naramdaman ko nung kailan. Eh pano, maya’t maya at may kabilaang mapaghuhugutan ng SELOS. Alam nyo yun? :| SOBRANG AYOKO KASI NG GANUN. Sa ganyang bagay ako madaling mapagod at talagang mainis. Ayoko ng hinahayaan lang akong magselos, mag-isip ng kung ano-ano. Ayoko ng nananadya! Syempre di ba pag ganun dapat gumawa ka ng paraan para ‘di na siya magselos o kaya naman wag kang gumawa ng mga bagay na alam mong ‘di niya magugustuhan para ‘di na siya mag-isip ng kung ano-ano. Kasama na din dun yung pagbuo mo sa tiwala niya sayo. Yun yung pinaka-mahalaga. Basta, masama talaga akong magselos. At pagod na pagod na ko sa kakaisip ng sobra pag medyo mag ganyang issue. Kaya PLEASE ha? :) Sorry naman kung hindi naging maayos yung pakikitungo ko sayo nung kelan, naiinis talaga kasi ako pag ganun eh. Alam mo naman. Sabihin niyo nang SELFISH ako. I don’t care. Basta mahal ko siya at ayoko ng mga issue-ng ganyan. Buti na lang ngayon ayos na. Sincerely sweet na ulit ako sa super love kong boyfriend :DD Mag-behave naman kasi aba?

