“Alam mo ‘di mo kayang i-handle yan ng sabay sabay. Wag mong i-burden and sarili mo ng sobra. ‘Di mo kaya yan, ang tendency babagsak ka. Isurrender mo lahat yan kay Lord.”

“Dapat ‘di ka lang sa studies nag-eexcel kundi sa lahat ng aspeto ng buhay mo. Pinalalakas ka lang ni Lord. Every locks have their keys and every problems have their solution so stand still.”

Hantaraaaay. :DD

I feel so down lang the past few days lalo na NGAYON :| Yung tipong hinang-hina ka at gulong gulo ka na sa mga nangyayari sa buhay mo? Kasi naman, nagsabay-sabay na mga intindihin ko. Stress at problema sa school, pati family, tapos ano … yung inaasahan kong uunawa at dadamay sakin? Nasan? Wala rin, ‘di ko rin nakakasundo nitong kelan. :’( tss. Wala naman akong makausap, kaya naipon nanaman hanggang sa ayan. Sobrang bigat nanaman sa loob. Gusto ko naman talaga sanang mag-open up sa iba, kaso nga wala eh. Kung kailan pa kailangan ko talaga. Lalo lang akong nahihirapan. ANYWAY, ayan napa-open up tuloy ako kay mela kanina, friend ko sa college. Grabe kasi yan mag-advice, hindi ka talaga panghihinaan sa kanya kasi sobrang maka-Diyos siya. Kahit dati napayuhan niya na rin ako, nakaka-enlighten talaga :DD Well, sana maayos na to. Hirap eh :| Alam ko si Lord lang talaga the best na matatakbuhan in times like this, di ako nakakalimot dun, pero dba mas madadalian ka kung may kasama ka. Simpleng pag-comfort lang mula sa pinaka-inaasahan mong tao ayos na eh. Kaso … RAWR.

  1. vetinaargee posted this