“Na-experience mo na ba before yung sa sobrang close mo sa isang friend eh na-fall siya sayo?”

Biglang tanong sakin ng isang guy friend habang naglalakad kami sa Intramuros nung kelan. SILENCE.

Haha :)) Minsan totoo yan dba, yung na-fafall sayo ung isang friend dahil sa closeness nyo. Namimisinterpret nila kumbaga yung treatment mo sa kanila. Sa part ko, ewan kung bakit. Hindi naman ako kagandahan, simple lang po. At lalong hindi rin naman ako sweet sa mga kaibigang lalaki. (Sweet ako kay bebe ko LANG syempre :DD) Patawa-tawa lang, asaran, seryosong kwentuhan minsan. Kulitan/harutan? Hindi. Siguro with my high school friends na SUPER CLOSE ko, oo nagagawa ko yun. Pero ngayon sa college, NEVER. Hindi talaga ako yung tipo na madaling maging super at ease or comfortable sa presence ng isang guy friend kahit na ka-close ko na siya. Walang intimate chorva. Hahaha. Yea. Yan, ganyan lang ako pero minsan dumadating pa rin talaga sa point na nararamdaman mo nang medyo na-fafall na sayo yung isang friend mo. Ang awkward ng feeling noh? Sabi ko nga, simple lang ako, di rin naman ako sweet (meaning walang reason para may mamis-interpret silang kilos ko), pero bakit ganun? Siguro dahil sa beauty that lies within :DD HAHAHA JOKE LANG. May sinabi ba ko? Haha, rawr. Ayun, pag ganyan wala kang magagawa kundi umiwas ng konti at baguhin ang pag-trato sa kanya. Ako kasi pag ganyan, bawas bawas sa pag-ngiti. Ganyan kasi ako pag nailang na eh. Less smiles talaga. Sakin kasi, pag sinabi kong kaibigan kita, KAIBIGAN lang talaga.