“Secured ka nga, masaya ka, pero kung nakaka-selos naman!”
Nakaka-selos daw. Sabi ko same feeling kapag siya rin … *whatever* :P
Usapang friends kasi yan. Sabi ko, oo masaya ako pag kasama ko yung mga guy friends ko. Masaya kasi ang kukulit nila. Saka andun ung “secured” feeling. EH MINSAN KO LANG MARAMDAMAN YAN, sa totoo lang. SECURED. Kasi ang tatangkad nila at ako maliit :| HAHAHA, hnde joke lang. Wala, ‘di ko naman kasi nakakasama yung kuya ko kaya parang sa kanila ko nakikita yung kuya figure :DD Sila kasi yung mga kaibigang makikitaan mo ng concern, pag-aalaga, at pag-iingat. Yung simpleng pag-oopen up nila sayo at pakikinig na rin nila ‘pag ikaw naman yung may problema. Yung feeling na pag magkakasama kayo nandun yung saya, asaran pero ‘di nawawala yung respeto. Syempre bilang KAIBIGAN ma-aappreciate mo yung concern nila sayo, yung simpleng pagtulong sayo magbuhat ng gamit ‘pag madami kang dala, pag-sama sayo kung saan. Yung simpleng pag-ooffer ng seat saming mga babae kapag kung nasan man kami, at yung simpleng pag-iingat nila samin kapag nasa biyahe kami papunta anywhere nang magkakasama. Yun lang naman. Yung mga kaibigan ko namang yan eh pantay-pantay ang pagtrato sakin pati na rin sa iba pang babae naming friends .. tropa tropa lang talaga sabi nga nila. :)
Nakakatuwa lang naman. Pero sabi ko nga, oo masaya ako pag kasama ko sila pero wala namang papantay sa pakiramdam kapag yung MAHAL mo na yung kasama mo ‘di ba?
-
ifitmeansnothing liked this
-
vetinaargee posted this

