ORAS.
Mahalaga yan sa isang relasyon, lalo na kung magkalayo kayo. Yan yung pinaka-naaappreciate na bagay ng mga nasa isang Long Distance relationship. Kapag ganun kasi, parang lagi kang nasasabik na makasama siya, sabik sa atensyon, sabik sa oras niya. Normal lang yun kasi ‘di ba hangga’t maari gusto niyo sanang maging magkasama bawat araw, bawat oras? Kaso nga mahirap, dahil magkalayo kayo.

Hindi na ako yung tipo ng babae na sobrang demanding pagdating sa oras. Alam ko kasi na mahirap ‘tong relasyon na pinasok ko. Kailangan ng malawak na pang-unawa at walang hanggang pasensyaaaa. Haha, oo totoo yun.
PAG-UNAWA. Nagkakasama lang kami pag umuuwi ako sa Laguna, dun kasi talaga kami kaso nag-aaaral ako sa Manila. Sabi ng iba, bakit ako yung nag-eeffort para magkasama kami? Bakit ‘di niya ko puntahan? Pag nandun naman ako sa Laguna, bakit minsan wala naman siya? Eh minsan na nga lang yung chance na magkasama kami? My gaaaaaaaahd ~ naii-stress talaga ko sa mga ganyang tanong ng mga nakakakilala samin. Bakit niyo ko pinangungunahan!? Hahaha JOKE. Oo gusto ko rin yun. Yung siya mag-eeffort para magkasama kami. Yung pupuntahan niya ko kung nasan man ako. Yung bigla siyang dadating dahil gusto niya kong makasama. At yung iggrab niya na bawat chance na magkasama kami tuwing nasa Laguna ako. SINO BA NAMANG AYAW NG GANUN? Gustong gusto ko. Ang akin lang, siyempre iniintindi ko rin siya. Kino-consider ko rin yung capacity nung tao. Nag-eeffort naman din siya ah! Oo dumadating yung oras na nakakapagtampo na talaga dahil minsan ang hirap HUMINGI ng kahit konting oras niya. Hiningingi pa talaga minsan xD Chos. Yung tipong, “Hello! Andito ko naghihintay sayooo! Konting oras lang hinhingi kooo.” Naiinis talaga ko pag para na kong ewan kaka-hintay. Lalo na pag alam kong may oras naman siya para maitext man lang ako, pero sasabihin niya ganito ganyan nandun kasi ako *blah blah*. So, masamang mag-text pag …. ? RAWR. Konting oras lang naman laging hinihingi ko. Hindi ko hinihiling na i-text mo ko all the time, puntahan mo ko araw-araw at kung ano-ano pa. Yung maalala mo lang akong kumustahin sa bawat maraming araw na lilipas na sobrang busy ka, okay na! Eh minsan hindi eh. Minsan hahayaan ka lang niya, na parang ‘di mo siya hinhintay. Wala talaga kahit text. Sobrang busy daw kasi, when in fact, I’m sure may kahit konting oras naman talagaaa. Ewan ko na lang.
Anyways, going back … haha! Ayan, text lang naman ang demand ko. Konting oras lang para kumustahin ako sa bawat linggo, konting panahon lang para makasama ako tuwing malapit ako sa kanya, konting effort para di na ko palaging naghihintay sa kanya. Okay na ko dun. Hindi ko na muna hinihiling na puntahan niya ko kung nasan man ako. Hello? Alam ko namang studyante palang kami, alam ko yung limit ng oras niya, at alam ko namang kung kaya niya, gagawin niya dahil gusto rin niya. Naiinis lang ako dun sa mga taong kung makapag-salita eh kala mo nasa isang LDR rin sila para sabihing bakit ganun *blah blah*. Darating din naman ung oras na magiging mas madali na lang samin na gawin yang mga bagay na yan. Natuto na ko eh, ayoko na nang nagmamadali. ‘Di maganda yun. Madidis-appoint lang ako. Natuto na kong mas umunawa pa at i-consider yung capacity ng partner ko, kung ano lang yung alam kong kaya niyang gawin, okay na ko dun. ‘Di na ko nagdedemand pa ng super efforts for now. Pero much better kung mag-eeffort dba? Siyempre naman. Pero darating din yung time na yun. Mahabang PASENSYAAAAA.
Simple lang naman yung mga bagay na laging inaasahan ko sa kanya ngayon, konting oras, konting effort, at wag na kong paghihintayin sa WALA. Kaya pag nadidisappoint ako dahil sa yan na nga lang eh wala pa rin … aay, ang sama talaga sa loob. Ganun kahalaga yung oras sakin, mabigyan lang ako ng atensyon, maalala lang ako, masaya na ko.

