Simpleng PRIDE.

Dati ma-pride ako sa mga lalaki pagdating sa text messages. Yung tipong ayokong ako yung unang nag-pm sa isang guy friend/classmate/crush. Hindi ko ginagawa yung dati kaya hindi ko sila nakaka-text hangga’t di sila yung nagpi-pm saken. Ang arte noh? Ang weird, I know. Hahaha, ibang-iba kasi yung dating ako sa ngayong AKO.

Siguro lalo na nung 3rd year at nung 4th year HS ako. Naalala ko nga dati may crush ako (Haha :PP),  nagpapadaanan kami ng GM nun. Pinipilit ako ng friends ko na i-pm ko na daw para maka-text ko na. Ayun! Kahit si super crush ko na yun, NEVER ko pa rin pini-m. Parang baliw lang noh? Hanggang sa dumating sa time na naging friends na kami in person tas tinetext na niya talaga ko. Lagi kaming magka-text nun dati, as in palagi, pero dahil lang yun sa pagrereply niya sa bawat gm ko. Kahit nung close friends na kami … medyo ganun pa din. Kasi meron nga akong muntangang pride dati pagdating sa pagtetext sa mga lalaki. BALIW lang. Hindi ko alam kung bakit ako ganun dati.

Nung umpisa din ng kay Joshua ganun, hahaha. Nung crush-crush palang :)) Ka-text kasi siya ng friend ko. So nung binibigay sakin yung number niya, sabi ko, “Oh? Anong gagawin ko dyan? Asa naman i-text ko yan? Hahaha.”, tawa lang sila. ‘Di pa rin daw ako nagbabago. Nagka-text lang kami nun dahil kinuha niya yung numebr ko. Parang kahit anong mangyari, kahit si ultimate crush pa yan, nanatili lang sakin yung sobrang babaw na PRIDE na yun. Pero later on siyempre, nawala na din. Natuto na din kong mangulit ng mga guy friends at crush/es :DD LOL.